Be Like That
Posted by freefree at 09:53 AM on May 23, 2004 as a stickied post.
Yeah. Be like me.
A simple man.
Simple dreams.
Simple life.
I'm what you call simple.
What the hell...
Hello, my Tabulas world.
Mga Basura at Alaala
Posted by freefree at 10:37 AM on May 23, 2004.
Linggo na naman. Umuulan sa labas, malakas. Masarap ang maghiga-higa ngayon at magpakatamad. Masarap matulog, pagkat bukas ay simula na naman ng isang linggong paspasan sa pag-aaral. Mabuti'i walang tao dito sa bahay, walang mang-iistorbo. Inaantok na ako. Nang ako'y malapit nang mapapikit at magpaanod sa agos ng panaginip, ano ito't bigla na lamang akong napamulat. Napaisip. Nakaalala. Nalala kita.
Sa tuwing ipipilit kong pihitin ang pag-inog ng mundo pabalik, ang parati ko na lamang naaalala ay ang mga karanasan nating kakaiba, iyon bang matatawag na first time o once in a lifetime. Iyong mga tipo ng mga pangyayaring malabo nang maulit pa. Pero ngayon, naisipan kong balikan ang mga alaalang maiilap at madaling nakaaalpas sa ating gunita. Mga bagay na pawang araw araw na lamang nangyayari. Mahirap pala alalahanin.
Inisip ko. Kailan nga ba tayo huling nagtawanan? Tungkol saan?
Kailan tayo huling sumakay ng dyip? Nilibre mo ako? Nung kumain tayo sa labas? Kailan tayo huling nag-asaran? Nagkapaluan? Nagkakurutan? Kailan mo ako huling binigyan ng piso?
Kailan mo napunang pinagmamasadan ko ang kapayapaan ng iyong mukha habang ika'y nakatitig sa kawalan? Kailan tayo huling nagtext? Nag-aral? Kailan tayo huling tumingala sa mga bituin sa kalawakan at sabay nating hinangaan ang kagandahan ng gabi?
Kailan mo ako huling binigyan ng kendi...
Kailan nga ba tayo huling nagkita? Hmmm... Parang kahapon lang yata.
Tumayo ako sa aking pagkakahiga. Hinalukay ko ang mga kalat ng aking silid. Nakakita ako ng resibo ng McDo. Balat ng kendi. Scratch paper na may sulat mo. Oo nga't basura, mga maliliit na bagay lamang. Pero ito ang kayamanan ko, tumutulong sa aking makaalala. At ang bawat isa dito'y katumbas ng isang pasasalamat na araw-araw ko na lamang nalilimutang sabihin sa iyo.
Masarap sana ang may kasabay na balikan ang mga ito, pero sa pag-iisa kong ito, lungkot lamang ang ndama ko. Bigla kong naisip na Lunes pala bukas. Magkita pa kaya tayo? Sana.